Pahid Politika
Monday, April 15, 2013
Cultural Product: Maritess vs the Superfriends (deconstruction)
ANg dapat ko sanang idedeconstruct ay ang pagyoyosi, pero napagtanto ko na parang mas may malalaman kung ang video na Maritess vs the Superfriends nalang ang gagawahan ko. Sa mga hindi pa nakakapanood nito, ito and video mula sa youtube:
Ang animation ay gawa ni Dino Ignacio at ang storyline naman ay galing sa Fil-Am stand-up comedian na si Rex Navarette.
Nang napanood ko ito ay naalala ko ang "the circus" ni Mikhail Bakhtin na kung saan ginagawang katatawanan na lamang ang dominanteng kultura at iba pang mga bagay na kadalasang dapat ituring na seryosong usapan. Sa video, makikita na ang mga character ay nahahati sa dalawa: Si Maritess na sumisimbolo sa mga Overseas Filipino Workers, at ang the Superfriends na sumisimbolo naman sa mga banyagang amo ng mga OFW. Ang pagiging superhero ng mga amo ni Maritess ay tila nagsasabi na malaki ang pagkakalamang nila sa ordinaryong Pilipino nilang katulong na si Maritess. Nagkaroon ng isang partikular na scene sa video na kung saan ginamit ni Superman ang x-ray vision niya kay Maritess. Ang scene na iyon ay tumutukoy sa sexual harassment na nararanasan ng iba nating mga kababayan sa ibang bansa.
Puno ng katatawanan ang video, subalit kung titignan ng maigi ay nababalot ito ng mga seryoso at sensitibong usapan tungkol sa buhay ng mga OFW. Bukod pa dito, sa kabila ng katatawanan na naibigay ng video, nakakalungkot pa rin isipin na dahil wala tayong maitulong sa mga kababayan natin sa ibang bansa ay dinadaan nalang natin sa paggawa ng mga videong tulad nito para sila ay mabigyan ng tuwa.
posted by Unknown at 8:48 PM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home