Pahid Politika
Friday, April 5, 2013
Pagkilala sa tunay na ako. (Reflection, Synthesis)
Noong mga unang ikatlo o ikaapat na linggo ng terminong ito,
sinabi sa amin i Dr. Contreras na magblog daw
tungkol sa kung ano ang tingin sa amin ng mga taong pumapaligid sa amin.
Napaisip ako.
Matatanggap ko ba kung ano man ang sasabihin
tungkol sa akin ng mga taong nasa paligid ko
at tinuring ko nang bilang mga kaibigan?
___________________________________________________________
Nakakatuwa, iba-iba ang tingin sa akin ng mga tao.
Ayon sa mga kakilala ko mula sa elementarya ay tahimik daw ako, seryoso, responsable, at nakakatakot.
Ayon naman sa mga kaklase at kaibigan ko sa high school, palabiro, sporty, active,
math hater, science love, maalaga, protective, patient sa mga tao, people person, pero nakakatakot kapag wala sa mood.
Sabi naman ng mga nakakasalamuha ko sa college, ako iyong tipo ng tao na masipag kapag gusto ang ginagawa, pero tamad kung labag sa kalooban ang kailangang tapusin. Studious daw ako nung first year hanngang second year, pero nawalan ng gana pagdating ng senior year. Dati daw optimistic ako sa bagay-bagay, comforting, at patient. Ngayon, moody at tila wala nang positibo sa mundo.
Sa mga kakilala ko sa labas ng block at majors' class, masayahin daw akong tao, pala-aral, active, God-centered. Tila daw wala akong problema sa mundo at nakakaraos sa buhay ko.
Ayon naman kay best friend, mabigat daw ang mundo ko. Medyo mababa ang spiritual level ko.
Hindi ako patient sa mga tao. Walang pakialam sa mga bagay-bagay. Hindi daw ako "people person". Iwas din daw ako sa mga conversation kung ayaw ko topic. Sa kabila pero ng mga iyon, mapagmahal daw ako kahit hindi halata. Pinapakita ko ito sa paraang kumportable ako. Sabi din niya, mapagbigay daw ako at maalaga.
_____________________________________________________
Ang dami nilang opinyon.
Pero may mga tumama ba?
sa totoo lang, hindi ko alam.
Nakakatakot na malaman mo na hindi mo na kilala ang sarili mo. Isang pagkakamali na magbago para tanggapin ka ng ibang tao. Minsan matatanong mo nalang, sino nga ba ako? Bakit ako nagbago? Ganito ba ang gawain ng dating ako?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Maliban sa mga academic-related na leksyong natutunan ko sa kursong CULPOLI, isa sa pinakapinasasalamatan kong matutunan dito ay ang pagpapahalaga sa pagkilala sa sarili. May mga tanong na nabigay sa amin sa kursong ito na kahit iresearch mo pa sa google o kahit saang library ay hindi ka makakahanap ng kasagutan. Mapapa-isip ka nalang bigla, "paano ko maiintindihan ang lahat ng pinag-aaralan ko sa politika, tungkol sa mundo, theorya, iba pang mga tao, kung ang sarili ko ay hindi ko mawari?"
posted by Unknown at 9:34 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home