Pahid Politika

Friday, April 5, 2013

Pagkabuhay sa panibagong pananaw ( Second Critical Commentary)

Sino ka sa mga mata ng mga kaibigan mo? Pilipino?
Sino ka sa mga mata ng magulang mo? Pilipino?
Sino ka sa sariling mga mata mo? Pilipino?

Pilipino ka nga dahil sa lahi mo, ngunit Pilipino ka nga ba sa puso't isipan mo kung pananamit pa lang at pananalita'y hindi na maka-Pilipino?

COLONIALISM: Ano ang nadulot nito?
Ayon sa ating kasaysayan, nagdaan ang ating bansa sa ilang mga mananakop. Nasailalim tayo sa madami-daming pamumunong dayuhan. Sa mga kastila pa lang, mahigit tatlong daan tayong nawalan ng sariling identidad. Dumating pa ang mga Amerikano at Hapon. Sa dami at tagal ba naman tayong nasa kamay ng iba't ibang dayuhan, maibabalik pa ba natin ang ating tunay na pagka Pilipino? May nakakaalam pa ba kung paano nga ba maging isang Juan dela Cruz? kung oo man, paano sila nakakasigurado na ang alam nilang ugali at kulturang Pilipino ay tunay talagang kulturang Pilipino? Sa tagal na tayo'y nasakop, hindi imposibleng wala na ang kulturang Pilipino. So ano na? may kultura pa ba tayong matatawag? mababalikan pa ba natin ito? Dito pumapasok ang sinabing black identity ni Franz Fanon na kung saan tayong mga Pilipino ay nawawala sa ating sariling kultura, at marahil sa sariling bayan. marahil ay oo, pero ito ay nakasunod sa kulturang naiwan sa atin ng mga mananakop. 

Paano maaalis ang naiwang pag-iisip ng mga mananakop: decolonization

Mahalaga kay Fanon na proseso ng decolonization na kung saan, hangga't sa maaari, ay tanggalin mula sa kultura ang nadulot ng mga mananakop. Sa ganitong paraan, malilimutan ang mga impluensyang banyaga na nadulot sa kultura. Pagdating sa Pilipinas, sa akin pananaw, ay hindi naging matagumpay ang decolonization.  Mas angkop siguro na sabihin ko na hindi man lang ata natin nasubukang gawin ang decolonization dahil pumapabor tayo sa mga dinulot ng mga mananakop, lalong lalo ng ang impluensya ng mga puti (Amerikano). Kulang nalang ay ibigay natin ang pisikal na sarili natin sakanila dahil pati ang pag-iisip natin ay nakuha na nila. Sa pananalita, Ingles na ang bida. Sa porma, pa-swag swag nalang ok ba. Palabas? sus! How I Met Your Mother nalang kaysa ang makabuluhang Indio o Amaya. Iyan na ang kadalasang maririnig mo sa mga taong ang tawag nila sa kanilang sarili ay Pilipino.

Hanggang ngayon, tuloy pa rin ang pananakop sa ating bansa.
posted by Unknown at 6:27 AM

0 Comments:

Post a Comment

<< Home