Pahid Politika
Friday, April 5, 2013
"Pinoy Ako, Pinoy Tayo" (Third Critical Commentary)
Lahat tayo mayroon pagkakaiba sa tingin pa lang ay makikita na
Iba’t ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga
Chorus:
Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo
‘Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh… oohh…

[chorus]
Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo ay mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin
[chorus]
http://www.lyricsmode.com/lyrics/o/orange_and_lemons/
_________________________________________________________________________________________
Naranasan mo na bang maliitin ang sarili mo sapangkat ikaw ay Pinoy?
Nahihiya ka ba sa mga kaibigan mong banyaga sapagkat ang lahi mo ay minaliit at dating binansagan na indiyo, unano, unggoy ng mga kastilang sumakop noon?
Minsan, sa kagustuhan nating mga Pilipino na matanggal sa ating kaisipan na tayo ay minamaliit ng mundo, pinipilit nating pumasok sa mundo ng mga banyaga.
Paano nga ba maiiwasan ang ganitong pag-iisip?
Natuwa ako noong una kong narining ang kantang "Pinoy Ako!" ng bandang Orange & Lemons na kanilang ginawa para sa Filipino Reality TV Show na Pinoy Big Brother. Ang musika ay nakakenganyo kapag napakinggan, at ang lyrics ay nagsasabi na dapat tayo ay magpakatotoo na tayo ay mga Pilipino. Ang ating lahi ay hindi dapat ikahiya at sa halip ay dapat ipagmalaki.
Ang paglaganap ng ganitong kaisipan ang kailangan nating upang magkaroon tayo ng sariling kultura at identidad na tunay na Pilipino. Paano nga ba natin ito makakamit kung tayo ay napapligiran ng mga kanluraning konsepto? Buti nalang, nalikha ni Virgilio Enriquez ang Sikolohiyang Pilipino!
SIKOLOHIYANG PILIPINO at Pilipinohiya Pinaglalaban ng Sikolohiyang Pilipino ang pagpapahalaga ng mga konseptong Pilipino sa paaralan. Kung tutuusin, sa paaralan na momodelo ang tao sapagkat dito kadalasang napupulot ang mga kaalamang nananatili sa kanila hanggang sa kamatayan. Kung iisipin, paano nga ba mamahalin ng isang tao ang kaisipang Pilipino kung sa napag-aaralan sa eskwelahan ay puno ng mga salitang galing sa kanluran? Sa agham, paano mo nga ba itatagalog ang mga kemikal na kasama sa periodic table of elements? Ayon sa Pilipinohiya, mas naaayon kung gagawahan natin ng paraan upang malapit ang mga Pilipino sa sariling atin sa pamamagitan ng pag-filipinize ng mga banyagang konsepto. Magawa din dapat nating tangkilikin ang sariling sa'tin: kilalanin ang sariling mga personalidad (authors, doctors, artists), tangkilikin ang sariling produkto, at tanggapin sa sarili na tayo'y mga Pilipino.
PANTAYONG PANANAW
Isa sa pinapaniwalaan kong dahilan kong bakit ang tingin natin sa ating sarili ay mahinang lahi ay dahil sa ating pagkakahati-hati dala ng pagiging archipelago ng ating bansa na nagdulot ng pagkakaroon ng regionalism. Sa pagkakaintindi ko, sinasabi ng pantayong pananaw na dapat ay huwag nating hayaang ilabas sa usapan ang hindi natin kababayan o karehiyon. Tayo ay mga Pilipino at kahit saang rehiyon, tribo, bayan, o lungsod ka man galing ay pare-pareho lang tayong mga Pilipino.

posted by Unknown at 7:01 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home