Pahid Politika

Monday, April 15, 2013

Cultural Product: Maritess vs the Superfriends (deconstruction)

ANg dapat ko sanang idedeconstruct ay ang pagyoyosi, pero napagtanto ko na parang mas may malalaman kung ang video na Maritess vs the Superfriends nalang ang gagawahan ko. Sa mga hindi pa nakakapanood nito, ito and video mula sa youtube:


http://www.youtube.com/watch?v=An79RrJJYD0

Ang animation ay gawa ni Dino Ignacio at ang storyline naman ay galing sa Fil-Am stand-up comedian na si Rex Navarette.



Nang napanood ko ito ay naalala ko ang "the circus" ni Mikhail Bakhtin na kung saan ginagawang katatawanan na lamang ang dominanteng kultura at iba pang mga bagay na kadalasang dapat ituring na seryosong usapan. Sa video, makikita na ang mga character ay nahahati sa dalawa: Si Maritess na sumisimbolo sa mga Overseas Filipino Workers, at ang the Superfriends na sumisimbolo naman sa mga banyagang amo ng mga OFW. Ang pagiging superhero ng mga amo ni Maritess ay tila nagsasabi na malaki ang pagkakalamang nila sa ordinaryong Pilipino nilang katulong na si Maritess. Nagkaroon ng isang partikular na scene sa video na kung saan ginamit ni Superman ang x-ray vision niya kay Maritess. Ang scene na iyon ay tumutukoy sa sexual harassment na nararanasan ng iba nating mga kababayan sa ibang bansa.



Puno ng katatawanan ang video, subalit kung titignan ng maigi ay nababalot ito ng mga seryoso at sensitibong usapan tungkol sa buhay ng mga OFW. Bukod pa dito, sa kabila ng katatawanan na naibigay ng video, nakakalungkot pa rin isipin na dahil wala tayong maitulong sa mga kababayan natin sa ibang bansa ay dinadaan nalang natin sa paggawa ng mga videong tulad nito para sila ay mabigyan ng tuwa.
posted by Unknown at 8:48 PM 0 comments

Friday, April 5, 2013

Pagkilala sa tunay na ako. (Reflection, Synthesis)


Noong mga unang ikatlo o ikaapat na linggo ng terminong ito,
sinabi sa amin i Dr. Contreras na magblog daw
tungkol sa kung ano ang tingin sa amin ng mga taong pumapaligid sa amin.
Napaisip ako.
Matatanggap ko ba kung ano man ang sasabihin
tungkol sa akin ng mga taong nasa paligid ko
at tinuring ko nang bilang mga kaibigan?



___________________________________________________________

Nakakatuwa, iba-iba ang tingin sa akin ng mga tao.
Ayon sa mga kakilala ko mula sa elementarya ay tahimik daw ako, seryoso, responsable, at nakakatakot.

Ayon naman sa mga kaklase at kaibigan ko sa  high school, palabiro, sporty, active,
math hater, science love, maalaga, protective, patient sa mga tao, people person, pero nakakatakot kapag wala sa mood.


Sabi naman ng mga nakakasalamuha ko sa college, ako iyong tipo ng tao na masipag kapag gusto ang ginagawa, pero tamad kung labag sa kalooban ang kailangang tapusin. Studious daw ako nung first year hanngang second year, pero nawalan ng gana pagdating ng senior year. Dati daw optimistic ako sa bagay-bagay, comforting, at patient. Ngayon, moody at tila wala nang positibo sa mundo.

Sa mga kakilala ko sa labas ng block at majors' class, masayahin daw akong tao, pala-aral, active, God-centered. Tila daw wala akong problema sa mundo at nakakaraos sa buhay ko.

Ayon naman kay best friend, mabigat daw ang mundo ko. Medyo mababa ang spiritual level ko.
Hindi ako patient sa mga tao. Walang pakialam sa mga bagay-bagay. Hindi daw ako "people person". Iwas din daw ako sa mga conversation kung ayaw ko topic. Sa kabila pero ng mga iyon, mapagmahal daw ako kahit hindi halata. Pinapakita ko ito sa paraang kumportable ako. Sabi din niya, mapagbigay daw ako at maalaga.


_____________________________________________________

Ang dami nilang opinyon.
Pero may mga tumama ba?

sa totoo lang, hindi ko alam.

Nakakatakot na malaman mo na hindi mo na kilala ang sarili mo. Isang pagkakamali na magbago para tanggapin ka ng ibang tao. Minsan matatanong mo nalang, sino nga ba ako? Bakit ako nagbago? Ganito ba ang gawain ng dating ako?


__________________________________________________________________



Maliban sa mga academic-related na leksyong natutunan ko sa kursong CULPOLI, isa sa pinakapinasasalamatan kong matutunan dito ay ang pagpapahalaga sa pagkilala sa sarili. May mga tanong na nabigay sa amin sa kursong ito na kahit iresearch mo pa sa google o kahit saang library ay hindi ka makakahanap ng kasagutan. Mapapa-isip ka nalang bigla, "paano ko maiintindihan ang lahat ng pinag-aaralan ko sa politika, tungkol sa mundo, theorya, iba pang mga tao, kung ang sarili ko ay hindi ko mawari?"




posted by Unknown at 9:34 AM 0 comments

"Yosi" (Cultural Product)













posted by Unknown at 8:58 AM 0 comments

Laguna: Ang Pagbisita (Commentary on Spaces)




Sino nga ba sa ating bansa ang hindi makakaalam sa probinsya ng Laguna?
Tahanan ng Laguna de Bay
Tahanan ng Pagsanjan Falls
Tahanan ng Bundok Makiling
Tahanan ni Jose Rizal

Sabi nga ni Gov. ER Ejercito, una sa lahat ang Laguna

Buti nalang, nabigyan ako ng pagkakataon na mapadpad sa sinasabing "una sa lahat"

Napuno ng tuwa, pananabik, paninibago, katatakutan, at pagkain sa tiyan ang aming pagdalaw sa Laguna. Isang karanasan na talagang mahirap kalimutan.


______________________________________________________


Ang Paseo de Santa Rosa

Kung may High Street na pinupuntahan ang mga sosyal sa Maynila, mayroon namang Paseo de Santa Rosa ang mga taga Laguna. Ang pagpunta palang sa nasabing lugar ay pahirapan na kung wala kang sariling sasakyan na dala. Ang kapaligiran ay nagpapahiwatig na piling tao lamang mula sa itaas ng strata ang maaring pumunta dito dahil sa kadahilanang karamihan sa mga outlet stores na matatagpuan dito ay ang mga mahahalin pang tipo. Ang mga kainan ay tulad The Old Spaghetti House at isang Japanese Restaurant na halos nasakop ang buong ikalawang palapag. Nasaan ang Jollibee, Chowking, McDonalds? andun pa ka kabilang dako. kailangan pang tumawid sa foodstrip para lang mapadpad doon. May karanasan nga akong gusto ko nalang tawanan. Napansin ko habang iniikot naming magkakagrupo ang ikalawang palapag, kung saan puro Japanse cuisine ang hinahanda at binebenta, ay hindi kami pinapansin ng mga empleyado doon. Ngunit kapag may darating na mga hapon ay bigla silang sisigla at magsasabi ng linyang hapon na sa isip ko ay hindi din nila maintindihan! Nakakalungkot, pati sarili nila ay niloloko nila. Gusto ko nga sabihin sa kanila "hoy! hindi kayo mga Hapon!".










SM CITY CALAMBA

Tulad ng ibang SM malls na matatagpuan dito sa Maynila at sa iba pang dako ng bansa, mapapansin na ang ambience na dala ng nasabing lugar ay mas pang-masa. Dito, walang pakialamanan kung naka T-shirt at shorts ka lang. Sa loob nito, pare-pareho ang lahat. Minsan nga ay tinatawag ko nang "melting pot" ang lugar na ito sapangkat dito ko nakikita na nasa iisang lugar ang mga tao na galing sa iba't ibang class. Mag-Ingles ka, matagalog, o manalita sa dialekto mo ay walang pipigil o titingin ng masama sa'yo.








UP LOS BANOS: CEC

Ang unang pumasok sa isip ko pagdating namin sa UPLB: nakakatakot!
Ang dilim. Malawak. Sabi ko sa sarili ko: wow, walang nasabi ang DLSU sa laking nasasakop ng UPLB.

Pero ang talagang takot na naramdaman ko na hindi ko na napigilang alisin ay ang pagtaas ng balahibo sa aking leeg ng makita ko ang aming tutlugan. Pakiramdam ko, hindi kami welcome sa building na tinuluyan namin. Ganunpaman, masaya pa rin ako at naranasan ko kung ano man ang pinaranas ng mga elemento at pawis naming pinatulo ng init sa UPLB-CEC. Hindi ko pinagsisisihan na pinanindigan namin ang pananatili dun matapos ng aming karanasan sa unang gabi.

AEROBICS: ng SM CALAMBA at UPLB

Sa dalawang Aerobics na napanood ko (ang isa ay sa SM Calamba at ang isa ay sa UPLB), nakakita ako ng ilang kaibahan. Ukol doon sa Aerobics na naganap sa SM Calamba, ang mga participants ay may edad ng mula 39-57 (ayon sa aking nakausap na si nanay Delia,  46 years old). Ang mga kanta na ginamit ay modern english songs tulad ng Super Bass, On the Floor. Ang mga galaw na ginamit na halos pang modern hiphop dancing na. Sa aking isipan, kaya siguro iyon ang piniling pamamaraan ay dahil para ma-enganyo ang mga tao sa loob ng mall upang manood at sumali sa aerobics ng mall (na maaring samahan kapag nakabili ka ng ilang items na worth ay, sa pagkakaalala ko, P300.oo). 

Ang aerobics sa UPLB ay dinadaluhan ng hindi ko matukoy na edad. May mga estudyante, faculty, at ilang pamilya akong nakitang nakiparticipate doon. Ngunit ganunpaman, ang mga musikang ginamit ay mas makaluma kumpara sa ginamit sa SM. Hindi lang iisa ang instructor. May kanya-kanyang estilo ang mga instructor. May gumamit ng instrumental, disco songs, kung fu style moves, at tribal style. Para sa akin bilang isang participant observer, ang pinakagusto ko at nagkaroon ng sync movements talaga ay ang nagawa ni Dr. Contreras, pangalawa ang gumamit ng Kung Fu style moves.

Sa pagcocompara ko sa dalawa, ang aerobics sa SM ay pinanigan ang estilong Western, habang sa UPLB ay mas na-highlight at napromote ang paggamit ang ethnic movements sa aerobics.

LUNCH SAGOT NI GOV

Nagpapasalamat kami sa ginawang pagtanngap sa amin ni Gov. Ejercito sa kanilang provincial palace. Matapos kumain sa conference room, mula 11:30-1:15 ay nandoon kami sa kanyang opisina. Pinanood sa'min ang promotional videos ng Laguna, trailer at music video ng kanyang mga pelikula, at binigyan din kami ng kaalaman tungkol sa nagawa ng kanyang pamilya upang paunlarin ang kanilang probinsya, Laguna. Upang maalala namin ang kanyang mga naibahagi samin sa saglit na oras na iyon, pinauwian niya kami ng mga memorabilia.

LILIW

At napadpad nga kami sa sinasabing tsinelas kapital ng Laguna. Sa paglilibot ko sa lugar na iyon, madami akong nakitang mga tsinelas. Oo nga naman, tsinelas capital nga diba? Pero hindi ko ma-ialis ang kagustuhan kong tanungin kung sila ba ang gumagawa ng mga tsinelas. Napag-alaman ko sa akin pagtatanong na hindi nga sila ang gumagawa, kinukuha nila ito sa ibang bayan. Sa isa pa ngang napagtanungan ko, sa Marikina pa pala nila ito kinukuha. Hindi naman purong import ang mayroon dun. May mga ilang establisementong gumagawa ng sarili nilang tsinelas, ngunit binebenta nila ito sa mas mahal na halaga. Ganun pa man, natuwa ako sa mga taong nakasalamuha ko doon sapagkat hindi tulad sa ibang mataong lugaw, parang kalmado ang mga nagtitinda doon at tila natutuwa pa kahit bisitahin lang ang kanilang tinadahan at walang bilihin.










UPLB: Nightlife?

Siguro ay masyadong mataas ang naging espektasyon ko sa nightlife na dapat daw naming obserbahan sa labas ng UPLB dahil sa nightlife na nararanasan ko dito sa Taft at iba pang bahagi ng Maynila. Doon, tahimik at tila walang nagaganap. Ang mga inuman? Sarado. Ang kalye? halos walang tao. Ang mga bilihan? halos pasara na. Sino ang gising? si manong nagtitinda ng balot. Siguro naman, nagkataon lang kasi na Sabado ang gabing paglibot namin doon kaya hindi namin nakita ang dapat sana naming masaksihan sapagkat nagsiuwian sa kani-kanilang probinsya ang mga costumer ng district na iyon. 





posted by Unknown at 8:38 AM 0 comments

"Pinoy Ako, Pinoy Tayo" (Third Critical Commentary)

Lahat tayo mayroon pagkakaiba sa tingin pa lang ay makikita na
Iba’t ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

Chorus:
Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

‘Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda
Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh… oohh…
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

[chorus]

Talagang ganyan ang buhay
Dapat ka nang masanay
Wala rin mangyayari
Kung laging nakikibagay
Ipakilala ang iyong sarili
Ano man sa iyo ay mangyayari
Ang lagi mong iisipin
Kayang kayang gawin

[chorus]


 http://www.lyricsmode.com/lyrics/o/orange_and_lemons/


_________________________________________________________________________________________
Naranasan mo na bang maliitin ang sarili mo sapangkat ikaw ay Pinoy? 
Nahihiya ka ba sa mga kaibigan mong banyaga sapagkat ang lahi mo ay minaliit at dating binansagan na indiyo, unano, unggoy ng mga kastilang sumakop noon?
Minsan, sa kagustuhan nating mga Pilipino na matanggal sa ating kaisipan na tayo ay minamaliit ng mundo, pinipilit nating pumasok sa mundo ng mga banyaga.
Paano nga ba maiiwasan ang ganitong pag-iisip?


Natuwa ako noong una kong narining ang kantang "Pinoy Ako!" ng bandang Orange & Lemons na kanilang ginawa para sa Filipino Reality TV Show na Pinoy Big Brother. Ang musika ay nakakenganyo kapag napakinggan, at ang lyrics ay nagsasabi na dapat tayo ay magpakatotoo na tayo ay mga Pilipino. Ang ating lahi ay hindi dapat ikahiya at sa halip ay dapat ipagmalaki.
Ang paglaganap ng ganitong kaisipan ang kailangan nating upang magkaroon tayo ng sariling kultura at identidad na tunay na Pilipino. Paano nga ba natin ito makakamit kung tayo ay napapligiran ng mga kanluraning konsepto? Buti nalang, nalikha ni Virgilio Enriquez ang Sikolohiyang Pilipino!
SIKOLOHIYANG PILIPINO at Pilipinohiya Pinaglalaban ng Sikolohiyang Pilipino ang pagpapahalaga ng mga konseptong Pilipino sa paaralan. Kung tutuusin, sa paaralan na momodelo ang tao sapagkat dito kadalasang napupulot ang mga kaalamang nananatili sa kanila hanggang sa kamatayan. Kung iisipin, paano nga ba mamahalin ng isang tao ang kaisipang Pilipino kung sa napag-aaralan sa eskwelahan ay puno ng mga salitang galing sa kanluran? Sa agham, paano mo nga ba itatagalog ang mga kemikal na kasama sa periodic table of elements? Ayon sa Pilipinohiya, mas naaayon kung gagawahan natin ng paraan upang malapit ang mga Pilipino sa sariling atin sa pamamagitan ng pag-filipinize ng mga banyagang konsepto. Magawa din dapat nating tangkilikin ang sariling sa'tin: kilalanin ang sariling mga personalidad (authors, doctors, artists),  tangkilikin ang sariling produkto, at tanggapin sa sarili na tayo'y mga Pilipino.
PANTAYONG PANANAW
Isa sa pinapaniwalaan kong dahilan kong bakit ang tingin natin sa ating sarili ay mahinang lahi ay dahil sa ating pagkakahati-hati dala ng pagiging archipelago ng ating bansa na nagdulot ng pagkakaroon ng regionalism. Sa pagkakaintindi ko, sinasabi ng pantayong pananaw na dapat ay huwag nating hayaang ilabas sa usapan ang hindi natin kababayan o karehiyon. Tayo ay mga Pilipino at kahit saang rehiyon, tribo, bayan, o lungsod ka man galing ay pare-pareho lang tayong mga Pilipino. 











posted by Unknown at 7:01 AM 0 comments

Pagkabuhay sa panibagong pananaw ( Second Critical Commentary)

Sino ka sa mga mata ng mga kaibigan mo? Pilipino?
Sino ka sa mga mata ng magulang mo? Pilipino?
Sino ka sa sariling mga mata mo? Pilipino?

Pilipino ka nga dahil sa lahi mo, ngunit Pilipino ka nga ba sa puso't isipan mo kung pananamit pa lang at pananalita'y hindi na maka-Pilipino?

COLONIALISM: Ano ang nadulot nito?
Ayon sa ating kasaysayan, nagdaan ang ating bansa sa ilang mga mananakop. Nasailalim tayo sa madami-daming pamumunong dayuhan. Sa mga kastila pa lang, mahigit tatlong daan tayong nawalan ng sariling identidad. Dumating pa ang mga Amerikano at Hapon. Sa dami at tagal ba naman tayong nasa kamay ng iba't ibang dayuhan, maibabalik pa ba natin ang ating tunay na pagka Pilipino? May nakakaalam pa ba kung paano nga ba maging isang Juan dela Cruz? kung oo man, paano sila nakakasigurado na ang alam nilang ugali at kulturang Pilipino ay tunay talagang kulturang Pilipino? Sa tagal na tayo'y nasakop, hindi imposibleng wala na ang kulturang Pilipino. So ano na? may kultura pa ba tayong matatawag? mababalikan pa ba natin ito? Dito pumapasok ang sinabing black identity ni Franz Fanon na kung saan tayong mga Pilipino ay nawawala sa ating sariling kultura, at marahil sa sariling bayan. marahil ay oo, pero ito ay nakasunod sa kulturang naiwan sa atin ng mga mananakop. 

Paano maaalis ang naiwang pag-iisip ng mga mananakop: decolonization

Mahalaga kay Fanon na proseso ng decolonization na kung saan, hangga't sa maaari, ay tanggalin mula sa kultura ang nadulot ng mga mananakop. Sa ganitong paraan, malilimutan ang mga impluensyang banyaga na nadulot sa kultura. Pagdating sa Pilipinas, sa akin pananaw, ay hindi naging matagumpay ang decolonization.  Mas angkop siguro na sabihin ko na hindi man lang ata natin nasubukang gawin ang decolonization dahil pumapabor tayo sa mga dinulot ng mga mananakop, lalong lalo ng ang impluensya ng mga puti (Amerikano). Kulang nalang ay ibigay natin ang pisikal na sarili natin sakanila dahil pati ang pag-iisip natin ay nakuha na nila. Sa pananalita, Ingles na ang bida. Sa porma, pa-swag swag nalang ok ba. Palabas? sus! How I Met Your Mother nalang kaysa ang makabuluhang Indio o Amaya. Iyan na ang kadalasang maririnig mo sa mga taong ang tawag nila sa kanilang sarili ay Pilipino.

Hanggang ngayon, tuloy pa rin ang pananakop sa ating bansa.
posted by Unknown at 6:27 AM 0 comments

Kanluraning Pananaw (First Critical Commentary)

Sa tuwing napapadpad sa usapin na pag-iispin ng Kanluran, hindi maalis ang pagsagi ng ideya sa akin na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagbabago ng kaisipan ng mga tao: mula sa traditional na kaisipan (kung saan sentro ang Diyos, pananampalataya, at ka-simplehan) patungo sa kaisipang gumagamit ng agham at logic. Maraming mga theorya ang nasa ilalim ng Critical Western Theories. Kapag naririnig ko ang Western Theories, kadalasang pumapasok agad sa aking isipan ang tatlong ito na kabilang sa theoryang kanluranin: Western Marxism, Frankfurt, at Gender-based theories.

WESTERN MARXISM

Ang kultura at class strata ang sentro sa Western Marxism. Kadalasang na-uugnay ang cultural hegemony  dito na kung saan, ayon sa pagkakaintindi ko sa binigay na definition ni Gramsci, ang mga nasa upper class ang nagmamanipula sa ideology o pag-iisip ng mga taong nasa baba ng class strata. Ang anumang sasabihin o gagawin mg mga kanilang sa upper class ay ipapamukha nilang tama at mas nararapat para ang mga taong nasa ibaba nila ay mabago ang pananaw at pumanig din kung sa ano ang gusto ng mga nasa ruling class. Ang paniniwalang namamanipula ng kapitalismo ang kamalayan ng mga klase (class consciousness) ang pangunahing paniniwala ni Lukacs. 

(http://filipspagnoli.wordpress.com/2012/10/28/political-graffiti-212-social-hierarchy/)

FRANKFURT SCHOOL

Sa usapin sa Frankfurt School, sentro ang malaking dulot ng media sa kamalayan ng mga tao. Bukod dito, nackokomodify din ang kultura ayon sa Frankfurt school. Malamang, ang pinakanaaangkop na halimbawa nito ay ang mga noon time shows tulad ng Eat Bulaga. Dahil ang pinaparating ng Eat Bulaga ay tumutulong sila sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga laro at mga malalaking papremyo sa kanilang palabas, na-eeganyo ang karamihan sa Pilipinong manood nito kasabay ang pag-asang baka sila pa ay manalo ang limpak limpak na salapi. Kasabay ng pagdami ng kanilang mga Pilipinong manonood ay ang paglaki ng impluensiya nito sa mga manood. Kadalasan, kung ano ang sinasabing uso ng mga host sa palabas na ito ay sinusunod ay ginagaya ng mga taong sumusubaybay dito. Isa na dito ang pag-uso ng sayaw na Cha-Cha ng batang si Ryza na dating kabilang sa parang child pageant ng Eat bulaga. 

(malou-alberto.blogspot.com)

GENDER-BASED 

Aminado akong sa lahat ng mga theoryang napag-aralan ko, sa gender-based theories ako talagang interasado. Buong buhay ko ay tumatak sa aking kaisipan ang argumento tungkol sa pagkakapantay ng mga kasarian. Marami ang nagsasabi ng angkat ang mga kalalakihan dahil sa samo't saring mga kadahilanan. Sa aking pananaw, dala ng modernization ang pag-angat din ng mga tingin sa kababaihan. Maliban sa kababaihan, napapahalagahan dito ang mga araling dala ng mga sinasabing tao na ang mga kasarian ay nasa gitna "lalaki" at "babae". Ang tumatak na leksyon sa isip ko na itinuro sa akin ng gender-based theories ay hindi sapat na dahilan ang kasarian para itago ang iyong tunay na anyo (tunay na pananaw sa sarili) at tunay na kakayahan.

www.natcom.org 

posted by Unknown at 6:00 AM 0 comments

Monday, April 1, 2013

Mabait, ngunit hindi paaalipin!

Minsan, nagagawa tayo ng mga bagay na kung saan kapag tayo'y natauhan ang tanging magagawa nalang natin ay tanungin ang ating sarili: "Bakit ko ba nagawa 'yon? Nakaya kong magawa iyon?"

Bakit nga ba tayo nakakagawa ng mga bagay na bigla bigila nalang  nating ikinakagulat? Sa aking personal na karanasan, nakagawa ako ng mga bagay na hindi ko inaakalang makakaya ko. Ang dahilan sa kabila nito ay dahil napuno na ako.

Kung babasahin ang aking nakaraang entry sa blog, malalaman na ako ay naging tipo na batang tahimik at laging binagbibigyan ang mga tao sa aking paligid. Sa kadahilanang ito, marami ang namamansamantala sa kabaitang pinapakita ko. 

Napag-aralan namin sa CULPOLI ang tungkol sa kapangyarihan (power politics). Kaugnay nito ay natanong kami ng propesor kung nasubukan na ba naming "mag-exert ng power sa iba" o kaya ay magmarginalize ng iba. Napaisip ako at naalala ang unang pagkakataon kung saan natoto na akong lumaban at tanggihan ang mga taong mapang-abuso.

Hindi ko na isasalaysay ang kaganapan na iyon, ngunit masasabi ko na ang pangyayaring iyon ang nag-umpisa ng ilang pangyayari ko saan hindi namalayang nakasakit na pala ako ng ibang tao. Isa sa pananakit na iyon ay ang pagmarginalize sa ibang tao.

Nagkaroon na ng pagkakataon na naparamdam ko sa iba na mas lamang ako sakanila. Nasubukan ko nang bitawan ang mga linyang "wala ka kasing pinag-aralan", "wala kang kwenta", at "wala kang silbi".
Nakita ko ang mga pagmumukha nng taong dating napagsabihan ko ng mga ganyang bagay,
itsurang hindi ko makakalimutan,
at nagpakonsensya sa aking damamin.
Aaminin ko, pati ako ay hindi natuwa sa nagawa ko.

posted by Unknown at 5:43 AM 0 comments