Pahid Politika

Tuesday, March 19, 2013

Kabaitang Inaabuso ng Karamihan

Sa aking pagkabata, aaminin kong madali akong mautusan at kahiligang utuhin ng karamihan. Sa bagay, isa akong patpatin, tahimik, at mahiyaing bata (ayon sa aking pagkakaalala). Malamang, sa utak ng mga taong kinahiligan pangunahan ang aking kabaitan ay wala lang sa'kin lahat ng pabor na hinihiling nila sa'kin. Sa kalalimlaliman ng aking pag-iisip ay gustong-gusto ko na silang tanggihan dahil alam ko na ang ilan sa kanila ay inaabuso na ang kabaitang pinapakita ko sa kanila.  Habang tumatagal at ang pag-iisip ko ay luminaw, dumating rin ang panahon kung saan natoto akong tumanggi sa ilang pabor na hihilingin ng ilang tao sa akin. Bagama't ganoon, may kaunting nanatili sa kaugalihang akala ko ay naiwan ko na sa aking pagkabata. Hanggang ngayon, nahahayaan ko pa rin ang ibang tao na mag-exert ng power sa akin. Ang masakit pa nito, karamihan sa mga taong nakaka-abuso sa kabaitang binibigay ko ay ang mga taong pinakapinapahalagahan ko.





posted by Unknown at 4:58 AM 0 comments