Pahid Politika

Sunday, January 27, 2013

Illegitimate Child



      Musmus pa lang ako nang matuklasan ko na may mga iba-iba nga talagang uri ng tao. Sa isipan ko pa lamang noon ay nasabi ko nang hindi pantay-pantay ang mga tao. Ang kadahilanan sa pag-iisip na ito ay dahil nasubukan ko nang makutsya dahil ako ay isang illegitimate child.

       Lumaki akong hindi nakikilala ang aking ama. Lumaki ako na kapiling ang aking butihing Lola, Lolo, Mama, and Auntie. Tanungin ko man kung saan naroroon ang aking ama, wala silang ibang sinabi kung hindi “patay na” o “wag mo na hanapin pa”. Dahil sa aking sitwasyon, nasubukan kong matukso sa paaralan noong elementarya. Si Alyssa, isang ka-eskwela ko na mas mababa ang baitang sa akin, ang natatandaan kong nangunguna sa panunuksong ampon ako. Hindi ko naman siguro sila masisisi sapagkat ano pa nga ba ang iisipin ng ibang tao kapag ang isang bata ay walang ama. Sa ginawa ng mga ka-eskwela ko ay naramdaman ko ang opresyon at pagkahiya. Gustuhin ko mang ibahagi ang sitwasyon na ito sa aking pamilya ay hindi ko ito nagawa sapagkat wala akong ka-alam alam kung paano ko ito sisimulahan.
         
      Bukod sa opresyon na naramdaman ko sa aking mga ka-eskwela, naramdaman ko din ang pagka-marginalize. Naramdaman ko na dahil sa pang-aasar na ginawa sa akin nila Alyssa ay iba din ang tingin sa akin ng iba pang mag-aaral. Hindi lang ang tingin ng ibang mag-aaral ang nagbago kundi pati na rin ang tingin ko sa aking sarili. Pumasok sa isip ko na dahil nga naiiba ako sa ibang mga bata dahil ako’y isang illegitimate child ay mas mababa ang kalagayan ko sa kanila. Buti nalang sa mga sumunod na taon ay naiba ang aking pananaw.
               
posted by Unknown at 6:45 AM 0 comments

Wednesday, January 16, 2013

Ang totoong Senyora


Sa isang  tahanan, hindi maaiwasang magkaka-iba ang ninanais na mangyari ng bawat isa. Maaring magdulot ng pagtatalo sa pagitan ng bawat miyembro bago makamit ang desisyon na kung sino nga ba ang dapat masunod. Maaring ang pananaw ng ibang tao sa mga pangyayaring tulad nito ay normal lamang at sadyang napagdadaanan. Ngunit para sa isang mag-aaral ng agham ng pulitika, mahalaga ang pag-obserba sa mga pangyayaring ito sapagkat sa mismong loob ng tahanan ay makikita kung sino nga ba sa mga miyembro ng pamilya ang may huling salita.

Ang aming tahanan ay binubuo ng pawang mga kababaihan: ako, ang aking ina, tiyahin, at dalawang kasambahay. Dahil inabot na ng "retirement age" ang aking ina at tiyahin, ang pangunahing pinagkukuhanan ng pang-araw araw na gastos ay ang mga sariling negosyo. Sa mga sumusunod na bahagi ay makikita ninyo kung sino nga ba talaga sa amin ang matatawag na totoong Senyora.



Nakikita sa table sa itaas na marami din akong kontrol sa reproductive materials na makikita sa aming pamamahay. Ngunit, sa aspeto ng negosyo, mapapansin na ang may kontrol lamang ay ang aking ina at tiyahin.





Makikita sa itaas ang pamamaraan ng pagdedesisyon sa aming tahanan. Kahit man ang may kontrol sa pinagmumulan ng pangtustus sa gastusin ay ang aking ina at tita, hindi pa rin ako nawawalan ng karapatan na magdesisyon sa mga bagay lalo na kung ang sarili kung kinabukasan ang pinag-uusapan.

Katulad siguro ng karamihan sa mga ibang pamilya, ang kagandahan na dinudulot ng pagkakaroon na sapat na pangtustus sa pang-araw araw na gastusin ay nararamdaman ng anak (dito ay ako) ngunit ang bigat naman sa pagsusustento nito ay nasa magulang pa rin.


Pagdating naman sa aking personal na pamumuhay, masasabi kong may mga aspeto naman kung saan ang sarili kong kagustuhan ang nasusunod. Ngunit kung ang aking kinabukasan, tulad ng career path, na ang titignan ay mas may kontrol ang aking ina kaysa sa akin. Ngunit kahit naman ganun ay naniniwala pa rin ako na kung ano sa tingin niya ang nararapat ay tunay nga na mas makakabuti sa akin,.




posted by Unknown at 8:39 AM 0 comments