Pahid Politika
Friday, April 5, 2013
Kanluraning Pananaw (First Critical Commentary)
Sa tuwing napapadpad sa usapin na pag-iispin ng Kanluran, hindi maalis ang pagsagi ng ideya sa akin na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagbabago ng kaisipan ng mga tao: mula sa traditional na kaisipan (kung saan sentro ang Diyos, pananampalataya, at ka-simplehan) patungo sa kaisipang gumagamit ng agham at logic. Maraming mga theorya ang nasa ilalim ng Critical Western Theories. Kapag naririnig ko ang Western Theories, kadalasang pumapasok agad sa aking isipan ang tatlong ito na kabilang sa theoryang kanluranin: Western Marxism, Frankfurt, at Gender-based theories.
WESTERN MARXISM
Ang kultura at class strata ang sentro sa Western Marxism. Kadalasang na-uugnay ang cultural hegemony dito na kung saan, ayon sa pagkakaintindi ko sa binigay na definition ni Gramsci, ang mga nasa upper class ang nagmamanipula sa ideology o pag-iisip ng mga taong nasa baba ng class strata. Ang anumang sasabihin o gagawin mg mga kanilang sa upper class ay ipapamukha nilang tama at mas nararapat para ang mga taong nasa ibaba nila ay mabago ang pananaw at pumanig din kung sa ano ang gusto ng mga nasa ruling class. Ang paniniwalang namamanipula ng kapitalismo ang kamalayan ng mga klase (class consciousness) ang pangunahing paniniwala ni Lukacs.
FRANKFURT SCHOOL
Sa usapin sa Frankfurt School, sentro ang malaking dulot ng media sa kamalayan ng mga tao. Bukod dito, nackokomodify din ang kultura ayon sa Frankfurt school. Malamang, ang pinakanaaangkop na halimbawa nito ay ang mga noon time shows tulad ng Eat Bulaga. Dahil ang pinaparating ng Eat Bulaga ay tumutulong sila sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga laro at mga malalaking papremyo sa kanilang palabas, na-eeganyo ang karamihan sa Pilipinong manood nito kasabay ang pag-asang baka sila pa ay manalo ang limpak limpak na salapi. Kasabay ng pagdami ng kanilang mga Pilipinong manonood ay ang paglaki ng impluensiya nito sa mga manood. Kadalasan, kung ano ang sinasabing uso ng mga host sa palabas na ito ay sinusunod ay ginagaya ng mga taong sumusubaybay dito. Isa na dito ang pag-uso ng sayaw na Cha-Cha ng batang si Ryza na dating kabilang sa parang child pageant ng Eat bulaga.
(malou-alberto.blogspot.com)
GENDER-BASED
Aminado akong sa lahat ng mga theoryang napag-aralan ko, sa gender-based theories ako talagang interasado. Buong buhay ko ay tumatak sa aking kaisipan ang argumento tungkol sa pagkakapantay ng mga kasarian. Marami ang nagsasabi ng angkat ang mga kalalakihan dahil sa samo't saring mga kadahilanan. Sa aking pananaw, dala ng modernization ang pag-angat din ng mga tingin sa kababaihan. Maliban sa kababaihan, napapahalagahan dito ang mga araling dala ng mga sinasabing tao na ang mga kasarian ay nasa gitna "lalaki" at "babae". Ang tumatak na leksyon sa isip ko na itinuro sa akin ng gender-based theories ay hindi sapat na dahilan ang kasarian para itago ang iyong tunay na anyo (tunay na pananaw sa sarili) at tunay na kakayahan.
posted by Unknown at 6:00 AM
0 Comments:
Post a Comment
<< Home